Moonlight Sonata

Prologue:

I really hate the rain—no, I disgust it.

But I think…not now.

Hindi ngayon kung kailan ito lang ang aking saksi. Ang nag-iisang kasangga sa nararamdaman k ngayon na takot at pangamba. Mga patak ng ulan na mula sa mga umiiyak na kumpol ng ulap na siya rin naman tahimik na umi-indayog sa bawat pag-sipol ng hangin.

Habang tumatakbo sa daan na banyaga sa akin, sumibol muli ang takot at ang nagpapa-alala na maaaring hindi ko na makita pa ang pagsibol ng araw. Na maaaring sa isang iglap ay mahagkan ko na ang malamig na semento ng daan na aking tinatahak.

Marahan kong pinagmasdan ang kumpol ng ulap na siya ngayon ay humahagkan sa buong kalangitan. Maiitim ang mga ito na ani mo’y ayaw nang pagbigyan ang buwan. Mula sa mga ito ay kitang-kita ko kung paano ang mga ito lumikha ng pangilan-ngilang kidlat na siya rin naman gumuguhit at nagbibigay liwanag. Magig ang hatid ng kulog ng mga kidlat ay marahan din na sumasabay sa bawat paghampas ng hangin.

Matapos obserbahan ang kalangitan ay hindi ko na mapigilang sumabay din sa pagtangis. Para bang nakikisimpatya rin ang mga ito sa nararamdaman ko ngayon. Na sa bawat pagtangis ko ay ganoon rin ang paglakas at pagbuhos ng ulan.

With a sting from my back, I suddenly felt the cold and wet pavement. Malakas ang naging pagkaka-bagsak ng aking mga tuhod dahilan para sumigaw ako sa sakit. Kasabay rin ng aking pagsigaw ay ang ilang kulog na nagsasabi sa akin na wala itong kwenta.
Sinubukan ko na tumayo matapos ng ilang segundo pero hindi na makayanan ng nanginginig kong mga tuhod ang bigat ng aking katawan. Mula sa muling pagkakahandusay ay mabilis akong bumaling sa aking likuran.

There’s that monster, silently observing me.

Sa gitna ng marahas na buhos ng ulan ay para bang isang huni ang ginawa ng mga hangin at pinagbigyan kahit isang saglit ang buwan na magliwanag. Marahan ang ginagawa nitong pag-awit habang binibigyang tanglaw ang buong kalangitan. Mula sa liwanang nito, tanaw ko ang mapusyaw at patay na mga mata ng lalaking iyon. Kulay dugo at nakakapangilabot. Maging ang balat nito ay rumi-rehistro sa liwanag ng buwan. Kulay marmol ngunit kumplikado.

Tahimik lang itong nakatayo sa dakong dulo ng tulay habang pinagmamasdan ako at iniinda ang marahas na paghalik ng ulan sa balikat nito. Ilang segundo lang iyon nagtagal dahilan para pilitin ko na tumayo at tumakbong muli. Mula sa tahimik na pag-oobserba ay marahan din itong naglakad.

Palakas nang palakas ang patak ng ulan at kasabay din nito ang patuloy na pang-aakit ng malamig na simoy ng hangin na siyang tumatama sa aking leeg.
Every second, the rain is making me dizzy, freezing me to a slow and enchanting death. Pero hindi katulad ng epekto ng ulan sa aking sistema, ibang iba ang dulot sa akin ng mga mata ng lalaking ngayon ay marahan kinakain ang distansya sa pagitan namin. Behind that statuesque aura, I know its eyes were cursed and its lips are sealed with poison…leaving me immobile. Hindi ako makapagsalita, hindi ako makakilos. Hindi ko magawang magpakawala ng iisang tinig.

Dulot ba talaga iyon ng mga matang iyon na masyadong malalim at nakapang-ngingilabot?

Sa bawat segundong lumilipas, pabigat nang pabigat ang aking katawan. Para bang wala na akong natitirang lakas para makipaglaban pa sa sakit na siyang sumusunog ngayon sa aking likuran. Maging ang marahas na pagpatak ngayon ng mga butil ng ulan sa bawat parte ng aking katawan ay hindi rin nakakatulong.

I tried to look at that monster again. He was now a meter away from me…crushing my whole system with fear and despair. Nagiba muli ang aking sistema nang nakakapang-akit nito na nilabas ang dalawang pangil na nagtatago sa perpekto nitong mga labi. Pangil na ano man oras ay handa akong lamunin. Unti-unti rin nitong nilabas ang mga mahahabang pigurang daliri. Ngunit imbes na maseselang ukit na kuko, nagtatalasaan ang mga ito na kayang gilitan ang sinuman.

A disgusting devil ready to attack me.

Under the moonlight’s sonata and the rain’s guidance, I shut my eyes close. It is not the death I wanted to have, not this kind. And as seconds silently ticked by, I could not help myself but to utter words…salvation.

Ilang segundo lang din at lahat ng laman ng aking isipan ay bigla nalang naglaho nang makarinig ako ng isang ungol. Kasabay nang pagbukas ng aking mga mata ay ang hapdi na nanuot sa akin dulot ng ulan. Sinubukan ko na igala ang aking paningin pero tanging ang marahas lang na pagkulog at pagkilat ang nakikita ko. The devil was nowhere to be found. Ni anino nito ay hindi ko na mabakas. Sinubukan ko na tumayo para makatakas ng muli nang mapansin ko ang panibagong pigura na nakatayo ngayon iilang metro ang layo sa akin.

Stood in front of me was yet another devil, but compared to the other one’s scary presence, this one was lonesome and expressionless.

Stunning and utterly gorgeous compared to the first one. Kulay abo ang buhok nito na basang-basa sa ulan. Ang labi naman nito ay parang bihira lang mabahiran ng ngiti. Dala rin nito ang perpektong panga at ilong na bumagay naman talaga sa pangangatawan nito. Malamlam na mga mata na may pinaghalong kulay asul at berde na lubos naman na nakapang-aakit. Pero sa kabila ng kulay ng mga matang iyon ay hindi ko mapigilang isipin kung paano rin ito patay at walang buhay.

It is empty and void.

Mula sa mala-bato nitong pigura, napansin ko ang kaliwa niyang braso na babad sa dugo. I was still fighting for my consciousness when another gust of wind struck my system enough for me to eventually break and crumble. My eyes fell …the sting behind my back cried once more.

Kasabay nito ang muling paghalik ng aking katawan sa malamig at basang semento. Habang nakikipaglaban sa antok at sakit, aninag ko ang paglapit ng pigurang iyon patungo sa akin. Banayad ang bawat hakbang nito na para bang kinakalkula ang pwedeng pangyari. Gusto kong malaman kung iniligtas niya ba ako. Kung ililigtas niya ba ako…o, katulad lang din siya ng nauna?

Pero naging malabo nalang ang lahat sa likod ng pagpatak ng ulan. Hindi ko na muli maaninag ang mukha nito at tuluyan na akong pinanghinaan ng katawan. Kasabay nito ang unti-unti nang pagpikit ng aking mga mata sa saliw ng tutugin ng buwan.

“You’re safe now, Luna.”

*****************************************************************
Moonlight Sonata
ALL RIGHTS RESERVED | yourseoul stories
Created: Summer of 2013
This is a work of fiction. Copying and distributing without proper consent of the author is punishable by the law. Any parts of this work are purely mine. Names, character and places either are a product of the author’s imagination or are used in fiction (not to mention those who been acted as role players of this work) And any resemblance to real living persons are entirely coincidental.
*****************************************************************

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s